-- Advertisements --
Inaprubahan ng European Union ang $54 bilyon na pondo para sa Ukraine dahil sa patuloy na pagsalakay ng Russia.
Ayon sa EU Council na nagkasundo ang 27 member states at inaprubahan ang nasabing pondo para sa Ukraine sa taong 2024 hanggang 2027.
Nakasaad dito na ang $35.86 bilyon ay bilang pautang habang ang mahigit na $18-B ay non-repayable support na manggagaling sa mga frozen assets ng Russia.
Sinabi naman ni EU Council’s President Charles Michel na kaniyang pinamunuan ang responsibilidad nila ang pagsuporta sa Ukraine.
Labis naman na pinasalamatan ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang EU council dahil sa tulong na ibinigay nila.