Naniniwala si European Union amabassador to Russia Vladimir Chizhov na ang diplomasya parin ang solusyon para mabawasan ang tensiyion na nangyayari sa Ukraine at Russia.
Sinabi nito na wala talagang intensiyon ang Russia na lusubin ang sinumang bansa subalit nagbabala ito na huwag silang galitin dahil tiyak na magbabago ang kanilang desisyon.
Matapos ang kasi ang pagpupulong nina Russian President Vladimir Putin at French President Emmanuel Macron ay mayroong suhestiyon na pagbuhay ng tinatawag na Minsk agreement na siyang magiging susi para matigil na ang hindi pagkakaunawaan sa eastern Ukraine.
Ang nasabing kasunduan ay itinaguyod pa noong 2014 ng mga bansang Ukraine, Russia, France at Germany.
Magugunitang naglagay ng mahigit 100,000 na sundalo ang Russia sa border nila ng Ukraine na ikinabahala ng US at maraming bansa.