-- Advertisements --

Ipinagdiwang din ni Erich Gonzalez ang paghakot nito ng milyong subscribers sa kanyang channel sa YouTube.

Ngunit kung si Ivana Alawi ay sa pamamagitan ng pag-post ng topless photo, si Erich naman ay mamimigay ng gadget na tablet sa ilang katao.

Ayon sa 29-year-old actress, sa Agosto 24 niya iaanunsyo ang tatlong lucky winners na ibabase sa dahilan ng mga ito kung bakit nararapat manalo.

Kamakailan lang nang pumalo na sa 8 million ang subscribers ni Alawi, habang si Gonzalez naman ay one million.