-- Advertisements --

Hiniling ng isang Environmental Health Groups sa bansang Thailand partikular sa kanilang Food and Drug Administration ang kaukulang tulong para mapigilan ang pag-export ng mga cosmetics na mayroong Mercury content sa bansa.

Ayon sa grupo, ang mga skin lightening products na iniexport sa bansa ay mayroong nakalalasong kemikal na may masamang epekto sa kalusugan ng tao.

Ang pormal na liham ay ipinadala ng EcoWaste Coalition – Philippines, Ecological Alert and Recovery – Thailand (EARTH), at International Pollutants Elimination Network – Southeast & East Asia (IPEN-SEA) sa Thai health authorities.

Nanawagan ang grupong ito sa gobyerno ng Thailand na panagutin ang mga personalidad na nasa likod ng exportasyon ng kalakalan na may Mercury content.

Ginawa ng grupo ang apela matapos ang pagkaka kumpiska ng mga otoridad sa Pilipinas ng mga Made in Thailand” skin lightening products” na sinabing may mercury content .

Ibinibenta ito sa mga e-commerce sites target ang mga Filipino mamimili.