-- Advertisements --

Naghahanap na ang Department of Energy (DoE) ng storage facility bilang paghahanda sa mga panahon ng mataas na demand ng enerhiya sa ating bansa.

Lumalabas kasi sa pag-aaral na seasonal ang demand sa Pilipinas ng kuryente at fuel.

Kaya naman, nais ni Energy Sec. Alfonso Cusi na samantalahin ang mataas na volume ng energy products, dahil base sa “law of supply and demand,” nagiging mas mababa ang presyo kapag kakaunti ang nangangailangan, pero buhos ang produkto.

Sa ganitong hakbang, malaki umano ang matitipid ng gobyerno at magagamit ang reserbang energy supply sa panahon ng matinding pangangailangan.