-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pananambanng-patay sa isang empleyado ng Hall of Justice sa Isulan, Sultan Kudarat.

Kinilala ang biktima na si Samama Balamal, nasa legal na edad, may asawa at empleyado ng Hall of Justice sa nabanggit na lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng Isulan PNP na inabangan sa mismong harapan ng Provincial Engineering’s Office sa Purok Masagana 2, Barangay Kalawag 2, Isulan ng riding in tandem criminals ang biktima at pinagbabaril.

Sakay diumano ng kanyang motorsiklo ang biktima ng ito ay tinambangan at pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga gunmen.

Agad naman na isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit kalaunay binawian ng buhay matapos na magtamo ng apat na tama ng bala kanyang dibdib.

Sa ngayon ay blangko pa ang pulisya sa motibo ng krimen.