-- Advertisements --
EJ OBIENA

Nasungkit ng Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena ang silver na medalya sa World Athletics Championships sa Budapest matapos ang isa pang six-meter clearance.

Nakamit ni Obiena ang panalo pagkatapos ng dalawang attempts sa nasabing level.

Tinabla nito ang kanyang personal best at Asian record na una niyang naitala noong Hunyo sa Bergen Jump Challenge sa Norway.

Nasungkit naman ni Armand Duplantis ang gintong medalya sa 6.10 meter na nagbigay sa kanya ng kanyang ikalawang sunod na world title.

Samantala, nakuha nina Kurtis Marschall ng Australia at American Christopher Nilsen ang bronze medal sa 5.95 meters.