-- Advertisements --

Nakatikim ng masaklap na pagkatalo ang Terrafirma Dyip matapos talunin sila ng Phoenix 107-76.

Ito na ang pang-anim na sunod na pagkatalo ng Dyip sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Naging susi sa panalo ng Phoenix si Kai Ballungay na nagtala ng 19 points, 12 rebounds at 12 assists.

Inamin ni Dyip head coach Ronald Tubid na hindi sapat ang kasama niya sa coaching staff dahil tanging si Jaren Jarencio lamang ang kaniyang kasama.

Nasa Mall of Asia kasi si Jeff Napa dahil sa pagiging coach ng National University na naglalaro sa UAAP.