-- Advertisements --

Mananatili pa hanggang Huwebes ngayong linggo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, sa Davao rin pupulungin ni Pangulong Duterte ang Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) na lilipad mula sa Metro Manila.

Ayon kay Sec. Roque, sa Davao na rin magbibigay ng public address si Pangulong Duterte kaugnay sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

Si Pangulong Duterte ay umuwi sa Davao nitong weekend, ang ikalawang pagkakataon mula ng ilagay sa general community quarantine ang lungsod.