Nakipagpulong kagabi si Pangulong Rodrigo Duterte kay ADB president Masatsugu Asakawato kung saan tinalakay ang iba’t ibang areas of cooperation kaugnay sa development agenda ng bansa.
Si Asakawa ay nagsagawa ng courtesy call kay Pangulong Duterte sa Department of Finance headquarters sa Maynila kasama ang mga economic managers at si Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno.
Sa nasabing meeting, binati ni Pangulong Duterte si Asakawa sa kanyang pagkakahalal bilang bagong ADB president at ipinaabot ang pagkilala sa pagtulong ng ADB sa Pilipinas.
Inihayag din ni Pangulong Duterte na hangad nito ang suporta ng ADB sa “Build, Build, Build” program ng kanyang administrasyon.
“We look forward to ADB’s enhanced support to our Build, Build, Build Program,” ani Pangulong Duterte.