Umuwi na ng Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Mula Malacañang, dumating si Pangulong Duter sa Villamor Airbase sa Pasay City ng. 12:09 am ng Sabado at lumipad patungong Davao bandang 12:30 ng madaling araw.
Dumating ang pangulo sa Davao City mag-aalas 2 ng madaling araw.
Sakay si Pangulong Duterte sa isang private plane.
Magugunitang Abril 26 nang ibunyag ni Pangulong duterte na hindi siya pinayagan ng kanyang anak na si Davao City mayor Sara Duterte na makauwi dahil sa banta ng COVID-19.
Ito rin ang dahilan kaya hindi siya nakadalo sa birthday ng kanyang partner na si Honeylet, anak na si Kitty at ng kanyang apo.
Umuwi si Pangulong Duterte sa Davao City isang araw matapos ang enhanced community quarantine (ECQ) sa luzon at sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ambo.
















