Inaasahang muling makikipagpulong mamaya si Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging and Infectious Diseases (IATF).
Sinabi ni Sen. Bong Go, kasama sa pulong rin ang mga opisyal ng militar at PNP.
Ayon kay Sen. Go, asahang na may mga bagong pronouncement si Pangulong Duterte kasunod ng pagkakadeklara ng community quarantine sa Metro Manila.
Bago nito, may press briefing mamaya si Presidential Spokesman Salvador Panelo at mamayang 11:30 rin ay may Laging Handa press briefing sa PTV Studio sa Quezon City.
Sa paunang abiso sa media, inaasahang dadalo sa briefing si Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie, DILG Undersecretary Jonathan Malaya, Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez, DND Spokesperson Arsenio Andolong.
Dahil sa utos ng gobyerno na social distancing, hindi pinapaharap pa ang mga reporter sa naturang briefing at magpapadala na lang ng mga tanong ang mga miyembro ng media.