Mananatili sa Bahay Pagbabago sa MalacaƱang Park si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Semana Santa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kinansela ni Pangulong Duterte ang nakatakda sanang pag-uwi sa Davao City para sana sa selebrasyon ng kaarawan ng kanyang anak na si Kitty.
Ayon kay Sec. Panelo, magtutuloy-tuloy ang gagawing pag-monitor ni Pangulong Duterte sa mga pinakahuling impormasyon sa COVID-19 dito sa bansa.
Ang tanging mensahe lamang umano ni Pangulong Duterte ngayong Holy Week, sama-samang ipanalangin ang buong bansa na gabayan at bigyan ng karunungan ang na masugpo ang COVID-19.
Tulad umano ng palaging sinasabi ni Pangulong Duterte, manatili sa bahay ang lahat ng mga Pilipino para maiwasang magkahawaan, bilang pagprotekta na rin sa isa’t isa.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng Palasyo na nasa maayos ang kalusugan ni Pangulong Duterte.