-- Advertisements --

May nakalaang tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga magsasakang apektado ng El Nino.

Sinabi DSWD Asssitant Secretary at spokesperson Romel Lopez, na sila ay nakikipag-ugnayan sa mga local government unit (LGU) para makakuha ng listahan ng mga magsasakang apektado ng tag-tuyot.

Mananatiling priyoridad aniya nila ang mga nasa vulnerable sektor na maapektuhan ng iba’t-ibang krisis.

Una rito ay iniulat ng Department of Agriculture na mayroong mahigit 2,000 mga magsasaka sa Western Visayas at Zamboanga ang naapektuhan ng kanilang pananim dahil sa El Nino.