-- Advertisements --
image 421

Sinampahan ng kaso si Amadeus Fernando Pagente alyas Pura Luka Vega ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. (KSMBPI) ng anim na bilang ng paglabag sa article 133 o Offending religious feelings, at article 201 ng Revised Penal Code in relation to cyber crime prevention Act of 2012.

Ito ay dahil sa kanyang kontrobersiyal na “Ama namin” performance nito. Nagsampa si Dr. Leo Olarte tagapangulo ng KSMBPI sa Pasay City prosecutor’s office.

Ayon kay Atty. Mark Tolentino abogado ng KSMBPI ang kaso ay nag-ugat matapos mag-post ng video si Vega sa mismong tiktok account nito na verefied at bukas sa publiko.

Hindi nagustuhan ng samahan ang ginawa ng drag queen artist na sumasayaw habang nakasuot ng costume na tila ginagaya ang itim na nazareno.

Anila ito ay kanilang kinodondena at hindi hahayaang babastosin pa ang panginooon lalo na ang Pilipinas ay isang kristiyanong bansa sa buong mundo.

Dagdag pa ni Tolentino na ang grupo ay magsisilbing watchdog ng Pilipinas hindi lamang ng sexing kundi maging sa offending religious feeling.

Maalalang ideneklara ang drag queen artist sa ilang lugar sa bansa na persona non grata dahil sa ipinakita nito sa Social Media.

Noong Agusto lang idineklara si Vega na persona non grata dahil sa pambabastos umano sa puong itim na nazareno na taon-taong ipinagdiriwang ng syudad.