
Hinimok ng Department of Tourism (DOT) ang US carrier na United Airlines na maglunsad ng mga flight sa mas maraming lugar sa Pilipinas.
Ayon sa pahayag ng DOT kahapon, sa isang pagpupulong kasama ang mga executive ng airline, hiniling ni DOT Secretary Christina Garcia-Frasco sa carrier na i-explore ang posibilidad ng pagtatatag ng mga direktang ruta sa pangalawang gateway ng Pilipinas, kabilang ang Clark International Airport, Mactan Cebu International Airport at Davao International Airport.
Noong Oktubre 29, naglunsad ang airline ng mga direktang flight sa pagitan ng San Francisco sa California at Manila na may “fully booked” na Boeing 777-300ER flight na may dalang 60 pasahero sa Polaris business cabin, 24 na iba pa sa Premium cabin, at 266 pa sa Economy.
Ang eroplano, na lumipad nang 15 hours straight, ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Nagpasalamat din si Frasco sa United Airlines sa paglulunsad ng mga direct flight sa Maynila.
Ayon sa datos ng DOT noong Nobyembre 17, ang US ang pangalawang nangungunang pinagmumulan ng mga turista ng Pilipinas na may 814,062 travellers o 17.43-percent ng mga international arrival.
Ang bilang ay mas mataas kaysa sa 505,089 visitiors ng bansa noong 2022, kung saan ang US ang nangungunang pinagmumulan ng mga turista.










