Nagpapaala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa tamang pasahod sa mga empleyadong papasok ngayong araw Oktubre 31 at Nobyembre 1.
Idineklara kasing special non-working holidays ang nabanggit na mga araw bilang obserbasyon ng All-Saint’s Day.
Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na ang mga papasok sa nabanggit na araw ay babayaran ng dagdag na 30 percent sa kanilang regular na arawang sahod.
Habang ang mga empleyado na nataon na kanilang day-off ay napiling pumasok sa nabanggit na mga araw ay dapat tumanggap ng 50 percent mula sa kanilang basic na sahod sa loob ng walong oras.
Kapag lumagpas ng walong oras sa kanilang pagtatrabaho ay makakatanggap ang mga ito ng dagdag na 30 percent sa kanilang hourly rate.
Maipapatupad naman ang “no work, No Pay” principle sa mga hindi papasok sa kanilang trabaho.
Paglilinaw naman ng DOLE Secretary na isang ordinary working day naman ang Nobyembre 2 na ito ay All Soul’s Day.