-- Advertisements --

Maglalaan ng pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawang naapektuhan ng pag-aaburoto ng Bulkang Mayon.

Nasa P50 milyon na halaga ng pondo ang nakatakdang ipasakamay ng DOLE sa local government unit sa lalawigan ng Albay para mga apektadong manggagawa ng pag-alburoto ng bulkang Mayon.

Nagsimula na rin ang DOLE ng profiling para sa emergency employment sa mga residenteng pasok sa 6 kilometer permanent danger zone.

Bahagi ng pondo ang Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers o TUPAD program kung saan ang isang miyembro ng apektadong pamilya ay makakatanggap ng nasa P11,000 sa loob ng 30 araw na serbisyo nito.