-- Advertisements --

Posibleng agad daw magsasampa ng kaso ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa siyam na pulis na sangkot sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Kasunod pa rin ito ng pagsusumite ng initial investigation report ng NBI sa pagkapatay ng mga sundalo.

Pero ayon kay Department of Justice (DoJ) Menardo Guevarra, kapag nagsumite ng supplemental report ang NBI ay hindi pa nila maisasampa ang kaso.

Una rito, sinabi ni Guevarra na naisumite na ng NBI ang report na naglalaman ng accounts ng 10 testigo, forensic findings ng medico legal at ballistic experts.

Kasama rin sa isinumite ang affidavits ng pamilya ng mga namatay na army itelligence officer.

Malinaw daw sa ballistic report na ang shells at slugs na natagpuan sa pinangyarihan ng insidente ay nag-match sa baril ng mga police officers na sangkot sa insidente.

Ang mga bullet wounds daw ay karamihang nasa likod ng mga biktima.

Lumalabas din sa inisyal na report na ang isang sundalo raw ang nagtamo ng walong tama ng bala.