-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Health na mayroon silang sapat na pondo sakaling tumaas ang bilang ng kaso ng bagong variants ng COVID-19.
Sinabi ni DOH Undersecretary Achilles Bravo na mayroong surplus funds ang ahensiya at ito ay maaring gamitin nila para pambili ng mga gamot laban sa COVID-19 FLiRT variant.
Sa kasalukuyan ay kanilang pinagkakasya ang mga pondo nila para sa paglaban sa ibang mga sakit.
Bagamat hindi pa dapat mangamba ang marami ay patuloy din aniya ang ginagawang pagbibigay ng paalala nila sa publiko na boluntaryong magsuot ng facemask at ugaliing maghugas ng kamay.