-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of Energy (DOE) ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo epektibo bukas, Martes, Marso 24.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, magpapatupad ng umentong P6.47 kada litro ang presyo ng gasolina.

Sa diesel naman, magkakaroon ng oil price hike na P11.88 kada litro sa presyo ng diesel habang sa kerosene naman, magpapatupad ng dagdag na P13.66 kada litro.

Sa kabila ng nakatakdang taas-presyo, ipinaliwanag ng kalihm na bahagyang kumalma ang presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado, kung saan mas kakaunti ang mga pagtaas kumpara sa nakalipas na mga araw.

Patuloy naman ang panawagan ng Energy Department sa mga kompaniya ng langis na magpatupad ng staggered o dahan-dahang umento sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Bagamat mayroon aniyang hindi talaga kayang magpatupad ng unti-unting pagtaas ng presyo ng langis dahil mawawalan sila ng kita dahil araw-araw nagbabago ang presyo bunsod ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Sec. Garin, magtatagal pa hanggang unang linggo ng Mayo ang fuel stockpile kasabay ng pagdating ng mas maraming deliveries.