-- Advertisements --

Pinalagan ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro ang pagbatikos ng China sa paglahok ng Japan sa Balikatan exercises.

Partikular na inalmahan ng kalihim ang pagtutol ng China sa kauna-unahang pagpapaputok ng Type 88 surface-to-ship missile ng Japan sa Pilipinas ngayong linggo bilang bahagi ng taunang pagsasanay sa Ilocos Norte.

Sa sidelines ng closing ceremony ng Exercise Balikatan 2026, sinabi ng DND Chief na nakakagulat aniya na manggaling ito mula sa China, na isang diktador at ang militar nila ay inuusig ang sarili nilang mamamayan.

Wala na aniyang naniniwala o nakikinig sa China at sa kanilang mensahe na layunin lamang na linlangin ang kanilang sariling mamamayan.

Inakusahan din ni Teodoro ang China ng pakikipag-engage sa pageespiya, cybercrime, human traffickinh at industrial espionage activities sa ilang bansa sa Southeast Asia, kasabay ng pagbatikos sa kalidad ng mga produktong gawang China na pumapasok sa rehiyon.