Nangako ang Department of Migrant Workers ng tulong para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na hindi makakabalik sa kanilang trabaho sa Gitnang Silangan dahil sa umiiral na digmaan sa rehiyon.
Sinabi ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac, na gumagawa na sila ng talaan kung sino yung mga hindi makakabalik dahil hanggang sa ngayon wala pa silang listahan ng mga apektadong OFW.
Ayon sa ahensya apektado parin kasi ang mga sektor ng hospitality, transport, restaurant, at construction sa Gitnang Sialngan. Pinayuhan naman ang mga OFW na huwag munang bumiyahe kung wala pa silang siguradong trabaho.
Dahil dito inilunsad ng ahensya ang Bayanihan Para sa Balikbayang Manggagawa program, na nagbibigay ng pinansiyal na tulong at kabuhayan para sa mga OFWs na pansamantalang hindi makabalik sa kanilang mga trabaho sa Gitnang Silangan.
”Sinabi naman natin na since Day 1 tinutulungan natin yung mga hindi maka-alis… Kaya tayo ay nagbibigay ng tulong para sa mga OFWs. Itong ating pondong pinansyal, tutulungan natin sila kung hindi muna sila makaalis,” pahayag ni Cacdac.
















