-- Advertisements --

Handang magpatupad ang Department of Migrant Workers (DMW) ng mass repatriation sa mga Filipino na naiipit sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at Iran.

Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, na mayroon na silang ugnayan sa mga Filipino community at mga embahada at konsulada sa nasabing mga bansa.

Gaya aniya ng mga ginawa nila noong mga nagdaang taano sa ibang mga bansa tulad ng Libya ay magiging mabilisan ang gagwing pagpapalikas.

Patuloy din ang panghihikayat nito sa mga Filipino sa Israel at Iran na tangkilikin ang mga repatration program na ipinapatupad ng gobyerno.