-- Advertisements --

Dinagyang Festival 2022, naging matagumpay

ILOILO CITY – Naging makulay at matagumpay ang Digital Dinagyang 2022.

Tema ng selebrasyon ang “Padayon Iloilo Upod kay Señor Santo Niño.”

Sa awarding ceremony, champion ang Tribu La Paz na tumanggap ng P100,000 na premyo

-1st runner up ang Tribu Lapuz na tumanggap ng P75,000 na premyo
-2nd runner up ang Tribu Molo na tumanggap ng P50,000 na premyo
-3rd runner up ang Tribu Jaro na tumanggap ng P35,000 na premyo

Nahakot rin ng Tribu La Paz ang lahat ng technical awards na kinabibilangan ng

-Best in Live Performance
-Best inb Filmed Performance
-Best in Choreography
-Best in Music
-Best in Costume Design and Headress
-Best in Production Design

Tumanggap ng P10,000 ang Tribu La Paz sa bawat technical awards.

Apat sa limang special awards naman ang nakuha pa rin ng Tribu Lapaz na kinabibilangan ng

-Best in Choreographer
-Best in Musical Director
-Best in Production Design
-Best in Costume Designer
-Best in Videographer

Samantala, Best in Discipline naman ang Tribu Molo

Tumanggap naman ng P5,00 sa bawat Special Awards.

Samantala, pinasalamatan naman ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang Bombo Radyo Philippines at Star FM dahil sa matagumpay na coverage ng Digital Dinagyang 2022.

Pinasalamatan rin ng alkalde ang Chairman ng Florete Group of Companies na si Dr. Rogelio Florete na members of the board ng Iloilo Festivals Foundation Incorporated.

Napag-alaman na ang Iloilo Festivals Foundation Incorporated ang siyang punong abala sa Digital Dinagyang 2022.