-- Advertisements --

Kinuwestiyon ni Department of Information and Communication Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy ang lumabas na ulat na 65 percent ng mga Pilipino ang hindi pa konektado sa internet.

Ayon sa kalihim na imposible ang nasabing bilang dahil sa mahigit 80 percent ng mga Filipino ay mayroong social media account.

Gumagawa na aniya sila ng hakbang para tugunan ang naging utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng pagpapatupad ng “Broadband ng Masa” na nagpapakaloob ng internet access sa mga Pilipino.

Pagtitiyak nito na sa mga susunod na taon ay lalawak ang bilang ng mga Pinoy na magkakaroon ng access sa internet.