-- Advertisements --
Inanunsyo ng provincial government ng Siargao na contained na ang diarrhea outbreak sa kanilang lugar, na kumitil sa pitong katao kamakailan.
Napag-alaman na sa 120 pasyenteng naka-confine sa Siargao District Hospital dahil sa diarrhea at pagsusuka, 80 pasyente lamang ang nangailangan nang treatment.
Ayon kay Surigao del Norte Governor Francisco “Lalo” Matugas noong Huwebes na “overwhelmed” ang kanilang ospital dahil sa dami ng mga pasyente na apektado ng outbreak.
Dagdag pa ni Matugas, hirap silang makakuha kaagad ng supply ng maiinom na tubig dahil ilang bangka lamang ang nakaligtas sa pananalasa ng Bagyong Odette.
Ang mga iilang bangka na ito ang siyang inaasahan nilang makapag-transport ng relief goods mula Surigao City patungong Siargao.










