-- Advertisements --

Tinutulungan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang dalawang Filipino transgender na nahaharap sa kaso sa Thailand.

Ang mga hindi na pinangalanang Pinoy transgender ay nasa kustodiya na ng Thai police matapos na maaresto dahil sa pakikipag-rambulan sa mga Thai nationals.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, gumagawa na sila ng paraan para mabasura ang kasong assault at battery na kinakaharap nila.

Ilan sa mga senaryo na ibinahagi ng opisyal na maaaring bigyan na lamang ng life sentence ang mga ito i-deport.

Base sa ulat na nakarating sa opisyla na tatlong Filipinos ang nakasagutan ng dalawang Thais kung saan inaalam pa ang puno’t-dulo ng insidente.

Pinayuhan ni De Vega ang mga Filipinos sa Bangkok na hindi dapat sila makipag-away at mahigpit na sumunod sa batas na ipinapatupad sa nasabing bansa.