Hindi pinalampas ni Derek Ramsay ang pagsulputan ng malalaswang komento ng ilang netizen tungkol sa napaulat na umano’y breakup nila ng kapwa artistang si Andrea Torres.
Ito’y kabilang sa comments section ng kanyang larawan kung saan hindi nito sinasagot ang pag-usisa ng mga netizen, dahilan upang sumawsaw ang iba gaya ng “tapos na raw tikman” si Andrea, bagay na sinagot ni Derek na “bastos.”
Nariyan din ang kantyaw na ang naging “real-life sex” scenes daw ng dalawa sa kinatampukang proyekto, ay hindi pala mauuwi sa forever.
Wala pa namang kumpirmasyon mula sa 43-year-old hunk actor at 30-year-old sexy actress kung tinapos na nga ba nila ang mahigit isang taon pa lamang na romantic relationship.
Una rito, agad napansin ng followers ng “love birds” na burado na sa kani-kanilang Instagram account ang mga picture nila na magkasama.
Bago kay Andrea, ikinasal si Derek ngunit nauwi sa annulment sa kabila ng pagkakaroon nila ng anak.
Sunod na nitong mga naging kasintahan sa showbiz ay sina Cristine Reyes at Solenn Heussaff.
Galing din siya sa longtime relationships sa aktres na si Angelica Panganiban gayundin sa wellness speaker na si Joanne Villablanca.