-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kumpirmadong kasama ang Department of Education o DepEd-Caraga sa tatlong mga regional offices na tumugon sa memorandum order na inilabas ni DepEd Undersecretary for Operations Revsee Escobedo upang magsumite ng listahan ng mga ACT Union-affiliated teachers na nag–avail ng Automatic Payroll Deduction System (APDS).

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Alliance of Concerned Teachers o ACT partylist Rep. France Castro, na mismong si DepEd-Caraga Assistant Regional Director Pedro Escobarte Jr. ay nagpadala na ng Memorandum Order 0530 series of 2023 na may approval ni regional director Ma. Ynez Asuncion, sa mga division offices na magsumite ng mga datus na kakailanganin ng kanilang sentrong tanggapan.

Ganito din umano ang ginawa nga DepEd Regions 7 at 11.

Banta ni Congresswoman Castro, kung matutuloy ang pangangalap ng listahan ng mga regional offices sa mga ACT teachers ay gagawa sila ng legal na hakbang laban dito.