-- Advertisements --
DOH office

Muling tiniyak ng Department of Health (DoH) na handa ang mga ospital sa bansa sakali mang tumaas ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Aminado kasi si Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na posibleng tumaas ang kaso ng nakamamatay na virus dahil na rin sa mga pagtitipon ngayong holiday season.

Pero aniya, hindi naman daw naasahan ng Health department ang sobrang taas ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 hindi gaya noong nakaraang dalawang taon.

Siniguro rin ni Vergeire na handa ang sistema ng bansa para makaagapay sa mga pagtaas ng kaso ng nakamamatay na virus.

Dagdag pa niya, marami na ring mga Pinoy ang nasanay nang magsuot ng face masks kahit na boluntaryo na lamang ang pagsusuot nito sa outdoor at indoor spaces.

Una rito, dahil sa pandemic pa rin sa bansa, hiniling na ng Office of the President (OP) na palawigin pa ang state of calamity sa Pilipinas dahil sa COVID-19.