-- Advertisements --

Binuksan ng testigong si National Bureau of Investigation (NBI) Senior Agent John Mark Calilung ang isang flask drive na naglalaman ng video ukol sa pagbabanta ni VP Sara laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nais ng prosecution panel na i-play lamang ang hanggang dalawang minuto ng video ngunit tinutulan ito ng defense panel.

Iginiit ng defense na dapat ay i-play ang lahat ng video upang maipakita ang buong konteksto nito.

Pangunahing nilalaman ng video ay ang pagbabanta ni VP Sara sa isang press conference kung saan sinasabi niyang may nakausap na siyang papatay kina PBBM, kung sakaling may mangyari man sa kaniya.

Sinuportahan naman ni Sen. Alan Peter Cayetano ang mosyon ng defense na dapat buong video ang i-play.

Ayon kay Cayetano, mas gusto niyang makita ang buong video dahil ayaw niyang mabitin kung sakaling dalawang minuto lamang nito ang ilalabas at ipapakita sa Senate impeachment Court.