-- Advertisements --
Patuloy na nadaragdagan pa ang mga labing narekober mula sa nangyaring landslide sa Maco, Davao de Oro nitong umaga ng Biyernes kung saan umakyat na sa 15 ang napaulat na nasawi ayon sa municipal government.
Batay sa datos ng lokal na pamahalaan kaninang 12nn, aabot na sa 110 katao na mga residente at empleyado ng mga kompaniya ang nawawala habang nasa 31 naman ang mga indibidwal na nasugatan ang naisalba.
Sa kabuuan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaabot sa 1,195,672 katao ang apektado ng pinagsamang epekto ng hanging amihan at trough ng low pressure area sa Northern Mindanao, Davao, Socckssargen, Caraga at BARMM.