-- Advertisements --
image 4

Nagbabala na ang Davao City Mayor’s Office na tatanggalin sa listahan ng mga benepisyaryo sa ilalim ng Cash for Work Program ang mga nagsasagawa ng mga pandaraya upang makakuha ng tulong mula sa pamahalaan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Davao kay Shine Kintanar, opisyal ng City Mayor’s Office, may nakikita raw na iregularidad ang mga Tupad Program beneficiaries tulad ng pagpapakuha lamang ng litrato bilang pagpapatunay na may ginawa ang mga nasasangkot, base na din sa hinihingi sa kanila ng programa.

Dagdag pa ni Kintanar, kung mapapatunayan sila sa ganitong gawain, may posibilidad na hindi na sila o sinumang kasapi ng kanyang pamilya ang makatanggap ng mga benepisyo mula sa iba pang mga programa ng pamahalaan.

Sakop na din ang mga nakilahok sa nasabing programa noong nakaraang taon.

-- Advertisement --

Ang Lingap Program ay isa sa mga programa ng City Government of Davao na nanghihikayat sa mga low wage earners ng lungsod na makatanggap ng ayuda sa pamamagitan ng simpleng paglilinis ng kapaligiran.

Dahil dito, iilang mga benepisyaryo ang nahihikayat din na kumuha na lamang ng litrato nang walang ginagawang paglilinis bilang pruweba ng kanilang pakikilahok sa naturang programa.

Naglulunsad na ngayon ng ibayong monitoring ang CMO sa bawat barangay upang matutukan ang bawat galaw at pagsasagawa ng mga benepisyaryo.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 16,640 ang mga benepisyaryo ng programa mula sa tatlong distrito ng lungsod. Makatatanggap sila ng mahigit kumulang P6,000 na sahod pagkatapos ng labinlimang araw na pagtatarabaho sa loob ng apat na beses sa isang linggo.