-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Dra. Estela Rivera ng Piddig District Hospital sa Ilocos Norte na ginawang temporayong ospital ang dating kumbento dahil under construction ang naturang bahay-pagamutan.

Ayon kay Rivera, dahil wala silang gagamiting bahay-pagamutan habang nire-renovate ang ospital ay hiniling nila sa simbahan at lokal na pamahalaan ng lalawigan na gamitin muna pansamantala ang dating kumbento.

Inamin nito na bago ang renovation ng ospital ay wala silang gagamitin dahil ang pondo ay para lamang sa ospital.

Inihayag nito na dahil sa kanilang sitwasyon ay sinisigurado nila na wala silang pasyenteng may malala o nakakahawang sakit, at hindi rin nila tinatanggap ang mga manganganak.

Nabatid na ang renovation ng Piddig District Hospital ay nasimulan nitong Hulyo ngayong taon.

Ang kumbento ay ginawa ring dating simbahan noon at ginawa naman ngayong bahay-pagamutan.