-- Advertisements --
image 17

Target ng Commission on Elections na magkaroon ng data-sharing sa pagitan ng komisyon at Office of the Ombudsman para maharang ang mga kandidatura ng mga indibidwal na habambuhay ng diskwalipikado sa paghawak ng posisyon sa gobyerno.

Ipinaliwanag ni Comelec Chair George Garcia na walang discretion ang poll body para tumangging sa pagtanggap ng mga kandidatura ng mga nais na kumandidato sa ilalim na rin ng batas.

Saad pa ng Comelec cahir na maaari lamang nilang ibasura ang kandidatura ng mga overage na para sa posisyon sa SK at mga indibidwal na mayroong isyu sa kanilang residency.

Para naman sa mga kaso ng mga indibdiwal na nadiskwalipika sa ibang dahilan gaya ng isyu sa kanilang citizenship at conviction sa korte, sinabi ng opisyal na walang choice ang poll body kundi tanggapin ang kanilang kandidatura.

Sa BSKE ngayong taon, ayon kay Garcia, nasa 11 kandidatura ng mga tumakbo ay kinansela matapos madiskubreng habambuhay na diskwalipikado pala ang mga ito mula sa paghawak ng posisyon sa gobyerno.