-- Advertisements --

Nakatanggap muli ang bansa ng karagdagang 797,940 doses na Pfizer COVID-19 vaccine.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang bakuna pasado alas-8:00 ng gabi ng Huwebes, Oktubre 7.

Bahagi ito ng batch na nabili ng gobyerno na aabot sa 1,003,860 na bakuna.

Bago ito ay nauna ng dinala sa Cebu ang 141,570 doses na bakuna bago mag-ala siyete ng parehas na gabi.

Sinalubong ito ni vaccine czar Carlito Galvez Jr kung saan sinabi nito na ang bakuna ay ibabahagi sa Region 3, 4A, 6 at Region 6.