CAUAYAN CITY- Tuloy tuloy ang pagtugis ng Department of Agriculture (DA) region 2 katuwang ang PNP-CIDG, at NBI sa mga utak sa pagbebenta ng mga hybrid rice seeds ng ilang traders at freelancer agents na mula sa ibang rehiyon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Roberto Busania, Regional Technical Director ng DA Region 2, sinabi niya na tinututukan ngayon ng DA region 2 ang talamak na pagbebenta ng mga traders at freelancer agents ng mga hybrid rice seeds na may tatak na “not for sale” o pag-aari ng Pamahalaan.
Aniya una na silang nakipag-uganayan sa PNP-CIDG, NBI at iba pang sangay ng pamahalaan na makakatulong sa pagsisisyasat kung sino ang utak sa pagbebenta ng hybrid seeds.
Sa katunayan ay may ilang mga hybrid rice seeds na may iba’t ibang variety ang nakukumpiska na ng mga otoridad na may tatlong kilo at limang kilong packaging na mula sa Region 1 at Region 3.