-- Advertisements --
Suportado ng Department of Education (DepEd) at naaayon ang kanilang programa ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang face-to-face class opening hangga’t walang bakuna laban sa COVID-19.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Presidential Spokesman Harry, patuloy ang kanilang pagrepaso sa mga curriculum para sa pag-aaral ng mga bata na walang physical attendance sa mga klase.
Ayon kay Sec. Roque, kabilang dito ang paggamit ng radyo at telebisyon, gayundin ang internet para sa pag-aaral ng mga bata.
Muli ding iginiit ni Sec. Briones ang kahalagahan ng radyo kahit noon pang nagdaang dalawang digmaang pandaigdig at hindi naman daw nalaman ng publiko ang balita sa pamamagitan ng internet.