-- Advertisements --
naia

Nagpakalat na ang Manila International Airport Authority ng crowd control personnel sa Ninoy Aquino International Airport terminals sa harap ng pagdagsa ng malaking volume ng mga pasahero.

Partikular na nakadeploy ang crowd control personnel sa check-in counters.

Sila ang siyang nagmo-monitor at nakikipag-ugnayan sa airline personnel sa check-in counters para matiyak ang maayos na pila ng mga pasahero.

Umaalalay din sila sa pila sa immigration counters para mapabilis ang proseso ng papaalis na mga pasahero.

Sa ambush interview sa NAIA, sinabi ni Transportation Sec. Jaime Bautista na malaking tulong sa mabilis na proseso ng pagpasok ng mga pasahero sa airport ang pag-alis ng initial security check sa entrance ng departure area ng paliparan.