-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Ipinag-utos na sa Baguio City ang crackdown laban sa mga indibidual na lubhang nagpapamahal sa presyo ng kanilang mga bentang face shields.
Inilabas ni Mayor Benjamin Magalong ang kautusan matapos makatanggap ng mga reklamo sa patuloy na pagtaas ng retail prices ng nasabing protective device.
Una rito, ipinag-utos ng alkalde ang mandatory na paggamit ng employees sa business establishments, banks at government offices mga sa nasabing device bilang karagdagang proteksion laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Maaalalang ipinag-utos din ng Department of Transportation (DoTr) ang mandatory na paggamit ng mga commuters sa kaparehong device tuwing sasakay ang mga ito sa mga pampublikong sasakyan.