-- Advertisements --

Muling pinuna ni Sen. Panfilo Lacson ang pagtugon ng national government sa tumataas na COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Lacson, parang naka-autopilot mode lamang ang bansa, sa harap ng napaka-seryosong problema.

“The coronavirus has gone berserk. While it is on ‘at-will’ mode, we are like, on autopilot. We can’t feel someone is in charge. Sobrang malas!” wika ni Lacson.

Matatandaang muling ibinalik sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila at mga karatig na lalawigan, dahil sa pagdami ng mga tinatamaan ng deadly virus.

Nagkakaubusan na rin ng hospital beds sa mga pagamutan, habang may ibang ospital ang tuluyan nang napuno, mula sa COVID beds, hanggang sa iba pang karamdaman.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 795,051 tinamaan ng deadly virus sa ating bansa.