-- Advertisements --

Pumalo na sa 20,124 ang mga pasyenteng gumaling mula sa sakit na coronavirus disease (COVID-19) sa buong Central Visayas base sa pinakahuling tala ng Department of Health kahapon, Oktubre 30.

Sa 22,390 na kabuuang bilang ng kaso sa rehiyon ay 1,339 nito ang naitalang namatay.

Samantala, umabot na sa 9,433 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa Cebu City habang 678 na ang mga namatay.

Pitong panibagong kaso naman ang nadagdag kahapon dahilan upang umabot na sa 10, 258 ang total cases ng naturang lungsod.

Nakapagtala rin ito ng 147 aktibong kaso ng deadly virus.

Maliban pa rito, may natitirang 70 active cases na lang sa Mandaue City ; 125 cases sa Lapu-lapu City; Probinsiya ng Cebu,327; Negros Oriental, 137; Bohol, 118; at 3 sa Siquijor.

Sa ngayon, nasa 927 na lang ang aktibong kaso ng rehiyon 7.