-- Advertisements --

Binawian ng buhay sa pagamutan ang isang construction worker matapos na aksidenteng nabangga ng isang Toyota Hilux kagabi, Ocotober 3, sa Sitio Cogon Brgy Catarman Liloan Cebu.

Nakilala ang nasawi na si Roberto Libre Canoy, 53 anyos at residente ng Lutopan Toledo City.

Habang ang driver naman ng sasakyan na nakasagasa ay nakilalang si Roger Ancajas, 53 anyos at residente ng Brgy Catarman Liloan Cebu.

Ayon sa ulat ng pulisya, tumatawid lang sana sa pedestrian lane si Canoy nang nabangga ito ng dumaang sasakyan na minamaneho ni Ancajas.

Isinugod pa sa Danao District hospital ang biktima ngunit dahil sa lubhang sugat na natamo nito kalaunan ay binawian din ng buhay.

Nasa kustodiya naman ng pulisya si Ancajas.