-- Advertisements --

Napuno ng sigawan ang paligid ng Sistine chapel matapos na makita nila ang paglabas ng puting usok sa chimney ng chapel.

Senyales ito na nakapili na ang 133 na cardinals ng bagong Santo Papa na papalit sa namayapang si Pope Francis.

Kasabay din nito ay pinatunog ang kampana sa paligid ng Vatican.

Ito ang pangatlong pagkakataon na nagkaroon ng botohan sa conclave at nakakuha na sil ang two-thirds majority para mahalal ang lider ng mahigit 1.4 bilyon na Katolika sa buong mundo.