-- Advertisements --

May hakbang na ginagawa ngayon ang Commission on Elections (COMELEC) para mapadali ang pagboto ng mga nasa vulnerable sectors gaya ng senior citizens, may kapansanan at mga buntis.

Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia, na inatasan na nito ang Vulnerable Sectors Office nila na gumawa ng polisiya para sa Early voting hours ng mga nasa vulnerable sectors.

Sa nasabing hakbang ay mapapagaan ang pagboto ng mga nasa vulnerable sectors sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Umaasa ito na maipasa na ng kongreso ang Early Voting Bill para sa pagpapagaan ng nasabing botohan ng mga nasa vulnerable sectors.