-- Advertisements --
All-set na ang Commission on Election (COMELEC) sa pagsisimula ng voters registration sa darating na Pebrero 12.
Sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, na inaasahan nila ang nasa tatlong milyon Filipinos ang magpaparehistro sa buong bansa.
Lahat aniya ng opisina ng Comelec ay magsasagawa ng aktibidad para ipagdiwan ang National Voter’s Day at isulong at hikayatin ang mga botante.
Nasa 170 na mga malls sa buong bansa ang inaasahan na maging host ng Register Anywhere Project para voters registration.
Ipinaalala din nito na dapat magdala ang mga botante ng isang government issued ID para sila ay makapagrehistro at makaboto sa 2025 local and national election.