-- Advertisements --

Idineklarang walang bisa ng Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division ang Certificate of Candidacy (COC) ni Luis “Joey” Chua Uy kasunod ng petisyong kumukwestiyon sa kanyang citizenship. Nakasaad sa petisyon na si Uy ay hindi maaaring ituring na natural-born citizen dahil ang kanyang ama ay hindi rin umano natural-born citizen sa panahon ng kanyang kapanganakan.

Kaya naman ayon sa desisyon ng COMELEC Second Division na siya ay itinuturing na naturalized citizen lamang at hindi natural born. Kaugnay pa nito ang kasong material misrepresentation ni Uy ay maaaring humantong sa kasong kriminal.

Ibig-sabihin si Uy ay hindi maituturing na kandidato at ang kanyang certificate of candidacy ay walang bisa mula pa sa simula o void ab initio.

Nilinaw naman ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia na bagaman idineklara na ng COMELEC 2nd Division si Bienvenido “Benny” Abante bilang opisyal na nahalal na kinatawan ng Ika-6 na Distrito ng Maynila para sa Eleksyon 2025, hindi ibig-sabihin nito na siya na ang mauupo pagsapit ng June 30. Aniya, hangga’t wala pang final at executory na desisyon ang COMELEC En Banc, ang mauupo pa rin ay ang naiproklama.

Pagtitiyak ni Garcia na susundin nila ang tamang proseso nito at hindi ipepressure ang respondent pagdating sa pagsumite ng Motion for Reconsideration.