-- Advertisements --
Nasa final leg na ng kanyang countdown sa panganganak si Coleen Garcia.
Kaugnay nito ay nag-post ang 27-yr old actress ng kanyang latest baby bump pictures sa kanyang kabuwanan.
Una nang naiulat na baby boy ang magiging panganay ni Coleen sa asawa at kapwa artistang si Billy Crawford.
Noong nakaraang linggo ay saglit na nagbakasyon ang soon to be certified mommy para makalanghap daw ng sariwang hangin, bukod pa sa nakahiligang pre-natal massage.
Bago ikinasal noong 2018, kontrobersyal sina Garcia at Crawford dahil sa kanilang 10-year age gap.
Bago kay Coleen galing ang 38-year-old actor sa long term relationship sa singer na si Nikki Gil pero nauwi sa hiwalayan dahil sa umano’y isyu ng virginity.