Personal na nakiramay si Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio M. Abu, sa nasawing miyembro ng Coast Guard sa Tubao, La Union.
Maalalang binawian ng buhay si CG Petty Officer Third Class (PO3) Ponciano Nisperos Jr. sa kasagsagan ng search and rescue operation sa isang ilog sa bayan ng Tubao nitong Setyembre-5.
Sa pagbisita ng Komandante sa tahanan ni CG PO3 Nisperos Jr. sa Carlatan, San Fernando City, La Union, sinaluduhan nito ang naging kabayanihan ni Ni Nisperos Jr sa paggampan ng kanyang tungkulin.
Pinasalamatan din ni Commander Abu ang kanyang pamilya na buong pusong sumuporta sa pangarap nitong maglingkod sa bansa bilang isang Coast Guardian.
Si CG PO3 Nisperos Jr. ay isa sa mga tumugon sa isang drowning incident sa Sitio Daeng, Halog East, Tubao, La Union sa kasagsagan ng masamang panahon noong Setyembre 5.
Pero habang inaayos niya ang safety line na gagamitin sana ay nawalan siya ng balanse at tinangay ng malakas na agos ng tubig sa ilog, hanggang sa tuluyan na siyang nasawi.